Papunta na sina Easton at Mr. Flores sa isang restaurant ng binata. kung saan kikitain nila ang taong nagpanggap na bibili sa mga pag-aaring restaurants ni Easton. "Sure kabang bibilhin na ng taong kausap mo ang lahat ng restaurants ko?" Seryosong tanong ni Easton, dahil hindi siya makapaniwala na ang bilis makahanap ng bibili si Mr. Flores. "Sigurado na Mr. Harrison, hindi naman mahirap maghanap ng bibili dahil kilala naman kayo." Paliwanag ng ginoo sa binata, alam na niyang magtataka ito. Saka lang siya makakahinga kung matatapos na ang usapan. Wala talaga siyang mahanap kahapon na pwedeng magpanggap. Kaya kinulit niya ulit si Eli sa opisina, ang magpapanggap ay yung anak ng nag-aalaga sa dalaga. "Dadaanan pa ba natin si Miss Murray?" Tanong ng ginoo sa binata, tumango naman si Eas

