Tulad ng dati, normal pa rin ang kinikilos ni Felicity maagang nagigising para pumasok sa trabaho. "Manang, pwede na kayong bumalik sa kaharian, susunod ako sayo." Seryosong sabi ni Eli habang hinahalo yung kape niya. "Sasama na sayo si Easton?" Masiglang tanong ng ginang, umiling naman si Eli bago nagsalita. "Hindi po Manang, hindi ko siya kasamang babalik sa kaharian. May ibang taong nagmamay-ari ng puso niya. " Malungkot niyang sagot hinawakan ng ginang ang kanyang kamay. "Siguro nga hindi talaga siya ang lalaking nasa libro. Sumunod ka rin sa akin agad, huwag ka ng magtatagal dito alam mo namang laging nag-aalala sa'yo ang iyong ama." Payo sa kanya ng ginang, Napabuntung-hininga naman si Felicity saka ngumiti. "Wala ka dapat ipag-alala Manang, kaya ko na ang aking sarili." Nakangi

