Abalang naglilinis si Eli sa opisina ng binata, maaga siyang pumasok para lang hindi sila magkita ng binata. Pinulot niya ang mga nagkalat sa sahig, napapaisip tuloy siya kung anong nangyari sa binata kahapon dahil sa mga kalat. Nang maayos na niya ang mga kalat sa sahig ay sinumulan ng punasan ni Eli yung mesa. Hindi namamalayan ng dalaga nasa likod niya na si Easton. Nagulat siya dahil may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. "Ano ba Easton!" Singhal niya nakilala agad ng dalaga dahil sa pabango ni Easton. "I'm sorry." Bulong niya sa tenga ni Eli, nagsitayuan naman ang kanyang mga balahibo sa katawan. "Alam mo namang ayoko na nakikipag-usap ka sa lalaki. Sa akin ka sumama sa Linggo." Dagdag niyang sabi bago hinawakan ang mukha ng dalaga at siniil ng halik. Tumigil siya sa paghal

