Dumaan muna sa flowershop si Easton para bilhan ng bulaklak ang dalaga. Red roses yung binili niya, gagawin lahat ni Easton para mapatunayan ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Nang makabili na siya pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan pauwi sa condo. Nang makarating na siya sa kanyang unit, diretso sa silid niya ang binata dahan-dahang binuksan yung pinto. Pagsilip niya'y mahimbing na natutulog si Eli, kaya maingat niyang sinarado ang pinto at iniiwasan makalikha ng ingay sa paghakbang. Nilagay niya sa mesa yung bulaklak bago pumasok ng closet room para magpalit. Pagkatapos magpalit ng pambahay, lumapit siya sa kama umupo ang binata at hinaplos yung mukha ni Felicity. Dahan-dahan naman nagmulat ng mata ang dalaga, agad siyang ngumiti ng makita si Easton. "Okay na ba ang pakira

