Maagang nagising si Easton, hinayaan niya mo ng nakatulog ang dalaga, dahil balak niyang magluto ng breakfast nila. Saktong pagpasok ni Easton sa kusina nadatnan niyang naghahanda ng lulutuin si Mr. Flores. "Good morning Mr. Harrison, ano ang gusto mong breakfast?" Magalang na tanong ng ginoo sa binata. "Ako na ang magluluto Mr. Flores, para saktong pag gising ni Eli. Nga pala nasabihan muna ba si Mr. Walker para mamaya? Ngayon tayo pupunta ng bahay para bayaran ang utang ng magaling kong ama!" Seryosong sabi ni Easton habang naghahanap ng pwede niyang lutuin. "Nasabi ko na kagabi pero tatawag pa rin ako sa mansyon para kahit papaano ay mainform pa rin sila." Agad niyang sagot sa binata, baka kasi makalimutan na naman nila kaya mas mabuting tawagan na lang niya ulit. Lumabas na sa ku

