Maagang nagising si Easton dahil magkikita sila ng kanyang stepmother. Halos hindi din siya nakatulog dahil kakaisip kung ano na namang problema ang kanyang kakaharapin. "Mr. Flores, ikaw na muna ang bahala kay Miss Murray ngayong araw. May importante akong pupuntahan baka hindi na din ako makapunta sa kompanya." Seryosong sabi niya sa ginoo habang inaayos ang suot niyang necktie. "Walang problema Mr. Harrison, kamusta pa lang ang naging lakad niyo kahapon?" Nakangiting tanong ng ginoo sa binata. "Wala namang magandang nangyari, kumain lang kami tapos umuwi na." Malamig na sagot ng binata, hindi naman kombensido ang ginoo sa naging sagot ni Easton si Eli na lang yung tatanungin niya mamaya. "Binati ka ba ng iyong ama?" Muling tanong niya sa binata, umiling lang si Easton. "Sabagay noo

