Mainit ang ulo ni Easton na pumunta sa kompanya, habang si Felicity naman abala sa pag-aayos ng mga ipapapirma niya. Akala ng dalaga makakanood siya ng inaabangan nitong drama. Pero akala lang pala dahil may pinagawa si Mr. Flores sa kanya. Kailangan na niyang maipapirma dahil baka next week wala na naman ang ibang board. "Bilisan mo Miss Murray at magkwekwento ka pa sa akin kung anong nangyari kahapon." Nakangiti na sabi ng ginoo, kanina pa siya kinukulit na magkwento. "Ayoko po binigyan niyo ako ng trabaho e, kay Easton mo na lang tanungin Mr. Flores." Pinal na sagot ng dalaga, natawa na lamang ang ginoo dahil ayaw magkwento ng dalawa. "Kapag nagbago isip mo Miss Murray, bukas ang pinto ng opisina ko." May halong pang-aasar ng ginoo sa kanya bago tuluyang umalis. Napailing na lamang s

