Tumahimik ang opisina ni Easton, para bang may anghel na dumaan. "Kumain na kayo, bawal malipasan ng gutom." Basag sa katahimikan ni Mr. Flores, inilapag na niya sa mesa yung mga biniling pagkain. "Wow, mukhang masarap itong mga binili mo Mr. Flores." Tuwang-tuwa na sabi ni Eli habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa harapan nila. "Syempre naman baka magbago isip mo eh magkwento ka na kung anong nangyari kahapon." Nakangiti na sagot ng ginoo, napa-simangot naman si Eli. "Anong nangyari Mr. Flores?" Tanong naman ni Bobby, nagkibit balikat naman ang ginoo saka tumawa ng mahina. "Kakain na ako nakakagutom." Ngiting-ngiti na sabi ni Eli, kukuhanin na niya sana yung kanin pero inunahan siya ni Easton. "Anong gusto mong ulam Eli?" Tanong naman ni Bobby sa kanya, nanlilisik ang mga ma

