Hindi makatulog si Felicity dahil sa sinabi ni Easton kanina. Kahit kasi matalim itont nakatingin sa kanya, kita pa rin ng dalaga lungkot sa mga mata nito. Bumangon ang dalaga at pumunta sa balcony ng kanyang silid. Tumingin siya sa langit makulimlim dahil walang nakikitang mga bituin. Napatingin sa ibaba si Felicity dahil ramdam niyang may nakatitig sa kanya. Nagulat ang dalaga ng makita si Easton, nakatayo ito at nakatingin sa kanya. Muling napatingin sa kalangitan si Felicity, dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo siya papasok sa loob at agad na sinara ang pinto ng balcony. Sinuot ng dalaga yung robe ng nighties niya bago lumabas ng kanyang silid. Baka nasa labas pa si Easton siguradong basa na ito ng ulan. Paglabas niya ng kanyang apartment, kinuha ng dalaga yung payong

