Ang magarbong pag-iisang dibdib nina Eoghan at Aoi ay umani ng samu’t saring reaksyon. Marami ang nagulat dahil sa bilis nito umanong makahanap ng iba at nakapagpakasal kaagad samantalang mahigit isang linggo pa lamang buhat ng ibunyag nina Zyran at Louisa ang kanilang nalalapit na kasal. Ang ilan ay natuwa dahil tila umano nakahanap si Aoi ng mas higit pa sa lalaking ipinagpalit siya sa kanyang kaibigan at mayroon ding mga nagtaas ng kilay at nagsasabing baka ito umano ang unang nagloko at ang isa sa mga nagbigay ng komento ay si Louisa -Siya ba yung scholar dati sa campus na beauty and brain? Yung sinasabi nila na orphan? -Kaloka, hindi ba long time boyfriend niya si Zyran Kriegal? -Yes, sis and sa pagkakaalam ko naging sila simula noong first year college pa tayo. Balita ko nga, s

