AOI’S POV Malakas ang kaba sa aking dibdib habang nakatalukbong at nakatagilid. Kahit na pagod ang aking katawan dahil sa dami ng ginawa ngayon at dahil sa mahabang seremonya ng kasal na naganap sa buong maghapon pero hindi ako dalawin ng antok dahil sa labis na kaba. Nagkatabi naman na kami sa isla at nakuha na nga hindi ba? Pero iba pa rin ang kaba na aking nararamdaman kapag nagkakatabi kaming dalawa. Idagdag pa ang ginawa kong paghalik sa kanyang pisngi ng walang pasabi. Hindi ba natural na lang na dapat gawin iyon ng mag-asawa? Ang magbigay ng goodnight kiss o goodbye kiss. Matulog ka na, Aoi. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano o baka naman naghihintay ka na may magaganap sa inyo? Dapat pala ang tawag sa iyo, doktorang maharot. Mas lalong nanlamig ang aking katawan at para akong

