AOI'S POV Ang lahat ng naroroon ay napatingin sa aking gawi nang marinig ang isang baritonong boses. Sumabat ito bago pa man ako nakasagot. "Mr. Bergin! Ang akala ko ay hindi ka makakadalo sa reunion namin," napatayo mula sa pagkakaupo si Azrael at inilahad ang kanyang kamay kay Eoghan. "Sorry. I forgot my phone inside our car kaya binalikan ko," pormal na sagot ni Eoghan at nakipagkamay kay Azrael. "As I was saying, mukhang may mga maling impormasyon ang nakarating sa inyo. Zyran and Louisa were having an affair and it all started right after my nephew proposed to Aoi. I know everything about it because they even invited me to a family gathering to discuss their wedding while Aoi had no idea what was going on. Am I right Ms. Ventanilla?" paliwanag ni Eoghan habang nakatayo sa liko

