AOI’S POV Sandaling katahimikan ang namayani nang magkasunod na umalis sina Louisa at Zyran. Tila ba naging awkward ang paligid na kahit isa sa mga naroroon ay nahiyang magsalita. Baka nga maging ang bilang ng paghinga ay bilang din. Sa tingin lamang nag-uusap ang bawat isa, naghihintay na may isang makalakas loob na bumasag ng nakabibinging katahimikan. “Guys, let's just let it go and forget what happened earlier. Huwag nating sayangin ang gabing ito, minsan lang tayo magkita kita sa isang taon kaya, come on! Let's enjoy the night," ani Azrael na itinaas ang kanyang hawak na baso na may lamang alak. Paraan nito iyon upang pawiin ang awkward ambiance sa paligid dala ng tensyong naganap kanina. "Right, let's not ruin this special night. Please feel free to choose anything you like, thi

