AOI’S POV Tahimik lang ako habang pinapanood ang mgadoktor at mga nurse na asikasuhin si Eoghan. Alam ko naman na hindi niya ako naalala, nakahanda na ako sa bagay na iyon. Pero ang hindi ko sukat akalain na may iba pa itong babang tinatawag na asawa bukod sa akin. Masakit na nga sa akin na nakalimutan niya ako pero wala na palang mas sasakit pa sa pagsasabi nito na hindi ako ang kanyang asawa. Ilang minuto ang makalipas ay dumating si Dr. Ray na humahangos. “How’s Eoghan? What happened?” tanong nito nang makapasok sa kwarto. “He’s fine now. Tinusukan na muna namin siya ng pampakalma bago pa man ma-escalate ang lahat. Good thing at nakatawag kaagad ng doktor at naabisuhan kami kaagad,” paliwanag ng doktor na hindi pa rin umaalis. “Aoi, may nangyari ba?” takang tanong nito nang map

