AOI’S POV Marahan ang aking paglalakad kahit na gusto kong tumakbo, natatakot naman ako dahil maaari akong madulas at ikapahamak ng aking baby. Habang naglalakad ay pansin ko na ang mga security na mabilis na papunta sa hallway patungo sa kwarto ni Eoghan. Nasa pinakadulo pa ako at ilang metro pa ang aking layo mula kina Dr. Ray. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong isang hospital cleaner, may tulak itong isang cart na naglalaman ng malaking trash bin na kulay itim. Nakasuot ito ng face mask, balot ng hair net ang kanyang buhok at naka-gloves. Sandaling nagkasalubong ang aming tingin at tila ba may humila sa akin upang sundan ito ng tingin ngunit mabilis ang kilos nito at agad na nag-iwas ng tingin kaya hindi ko na ito natitigan ng mabuti. Naipilig ko ang aking ulo habang nakakunot

