AOI’S POV Nanlambot ang aking mga tuhod at tila ba nagkaroon ng kakaibang bagay ang nabuhay sa aking dibdib nang makilala ang babaeng nasa CCTV. “Louisa?!” Hindi ko napigilang masambit ang kanyang pangalan. Sa larawan ay bahagya itong nakayuko at parang tinatanggal ang face mask na kanyang suot. Bahagya pang nakataas ang gilid ng kanyang labi na parang may nakakainsultong ngiti. “Who’s Louisa? You mean, ang fiancee ni Zyran? Louisa Ventanilla?” tanong ni Dr. Ray. “Siya nga,” sagot ko. Habang nakatulala at pilit na iniisip ang lahat ng nangyari ay parang may biglang pumasok sa aking utak. Ang babaeng hospital cleaner na nakasalubong ko kanina. “Si Tita Vina!” Parang isang bumbilya na sumindi sa aking utak nang tuluyang maalala ito. Kaya pala parang pamilyar ang mata nito kahit na

