AOI’S POV Hindi ako umalis sa ospital nang araw na ring iyon. Ewan ko ba pero hindi ko magawang iwan si Eoghan lalo pa at alam kong possibleng bumalik si Louisa rito anumang sandali. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Louisa ang makalusot sa napakahigpit seguridad na mayroon ang ospital at ganun na rin sa kabila ng napakaraming bantay na naroroon. Habang ako ay matiyagang nanatili sa tabi ni Eoghan, si Dr. Ray naman ay kasama si Director na muling nag-usap. Hindi ko na alam kung ano pa ang ibang ginawa nito dahil ang sinabi nito sa akin ay siya na raw ang bahala sa lahat. Maaaring ang tungkol kay Louisa at sa nangyari kay Eoghan ang kanyang tinutukoy. Siguro ay ayaw niya na akong ma-istress lalo na at buntis ako ngayon. Habang nagbabantay ay hindi ko napigilan ang aking sariling maka

