ARAW NG KASAL.. Balot ng matinding kaba ang aking dibdib habang ako ay inaayusan. Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa labis na kaba. Magkahalong saya at lungkot ang aking nararamdaman sa pagkakataong ito. Saya dahil matutupad na ang pangarap kong makapaglakad sa gitna ng altar, iyon nga lang ay sa ibang lalaki at hindi iyon si Zyran. Lungkot dahil wala man lang akong kamag-anak na dumating. Si Ivette na nga lang ang aking naimbitahan at si Dr. Rivera na parehong gulat sa aking ibinalita. Nanghihinayang din ako dahil hindi ko kasama ang aking mga magulang. Hindi ko alam kung paano pero malamang ay ginamitan na naman ng kapangyarihan ni Eoghan para hindi ako makapasok sa hospital at ilaan ang araw na iyon para sa aming kasal. He already had a spot in my heart pero hindi ko sigurad

