“How did it happen? Ma? May alam ka ba tungkol dito?” gulong sigaw ni Zyran sa kanyang ina na si Zeny. “I don’t know. Wala akong alam, malay ko ba na may pagkatuso yang nobya mo. Akala ko ba ay loyal yan sa iyo pero bakit mas mauunang ikasal ito sa iyo?” singhal ni Zeny sa kanyang anak. “Kilala ko si Aoi, hindi niya magagawang magloko. It’s all my fault. Hindi dapat ako nagdala kay Louisa. She’s supposed to be my bride and not her bestfriend,” ani Zyran na napahilamos at hindi mapakali na para bang mawawala sa sarili. “It’s not your fault, anak. Nadala ka lang sa sitwasyon. Lalaki ka lang, naghanap ka lang ng bagay na hindi maibigay sa iyo ni Aoi at kasalanan niya iyon. Mas inuna niya ang career niya kesa sa iyo, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo,” pang-aalo ni Zeny sa kanyang ana

