AOI’S POV Nagpanting ang aking mga tenga dahil sa aking narinig. Ang akala ko ay nagkamali lang ako ng dinig tungkol sa sinabi ni Tita Vina. “Please, Aoi. Maawa ka naman kay Louisa. Hindi ba matagal naman kayong naging magkaibigan at pinatira pa kita sa bahay namin noong wala kang matuluyan. Kahit iyon na lang ang isukli mo. Nakikiusap ako sa iyo, Aoi,” pakiusap pa nito sa akin na mas malakas pang hinila ang aking braso na. Hila na ramdam ko ang sakit na para bang sinadya. “Can you stop pulling my wife’s arms! You’re hurting her!” Marahas na hinawakan ni Eoghan ang kamay ni Tita Vina upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa aking kamay saka nito ito malakas na itinulak. “You have no right to touch and hurt my wife! At sino ka para ipilit sa kanya ang isang bagay na hindi niya pwed

