AOI’S POV Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng aming bahay nang makaalis kami sa hospital. Dapat ay du-duty pa ako noon pero dahil sa nangyari ay hindi na ako pinagtrabaho pa ni Eoghan at kinausap niya na rin si Dir. Dr. Rivera na hindi na rin ako papasok pa sa mga susunod na araw kahit pa ilang minuto lang ang nakalipas ay pinag-usapan namin ang tungkol sa pananatili ko pa rito ng isa pang buwan bago ako tumigil sa pagtatrabaho at para na rin makapaghanda sa paglipat patungo sa Ireland. Hindi mawala sa aking isip ang nalaman ko tungkol kay Louisa kung kaya agad kong tinawagan si Yvette upang malaman ang nangyari sa dati kong kaibigan. Masama ang loob ko dahil sa ginawa nila sa akin lalo na kanina pero mas nanaig sa akin ang katauhan ng isang doktor. Hindi ko magawang balewalain a

