EOGHAN'S POV Ilang sandali pa kaming nakapag-usap ni Ray Bago ito umalis nang sabihin kong mas lumalala ang pagsakit ng aking ulo. Tinawag na muna nito ang doktor na nakatalaga sa akin upang lapatan ako ng pain reliever na gamot upang mabawasan ang sakit ng aking ulo. Tinanong niya pa ako kung gusto ko raw ba na pampakalma ang ibigay sa akin pero tumanggi ako at sa halip ay gamot pantanggal ng sakit lang ang aking ininom. Binitawan ko na muna ang cellphone na ibinigay sa akin ni Aoi kanina at ipinatago ko kay Jack Bago ako magpahinga. Kahit na walang ginamit na pampatulog sa akin ay natulog pa rin ako dahil sa side effect naman Ng pain reliever na ibinigay sa akin. Halos apat na oras din akong nakatulog at nang magising ako ay kahit papaano ay bumuti na ang aking pakiramdam. Kasabay ng

