EOGHAN’S POV Sandaling umalis si Jack upang tawagin ang aking doktor. Muli akong inobserbahan at tinanong ng mg bagay para sa isang assessment, sinisigurado kug nasa maayos na estado ang aking paggaling. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang lahat at binigyan ako ng permiso na makalabas ng ospital kahit sandali. Matapos akong bigyan ng assessment ay magkasamang dumating sina Aoi at Ray. Napakunot pa ang aking noo nang makita ang mga ito na masaya pang nag-uusap. “Talaga? Nakakita mo na ng personal si Dr. Aina Rowan?” dinig kong sabi ni Aoi. “Yap. Not only did I see her, I even talked to her. I was amazed by his research kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na tanungin ito tungkol sa bagay na iyon but sadly it’s confidential kaya hindi niya masabi sa akin nang buo ang tungkol

