AOI’S POV Halos mag-aalas sais na ng gabi nang ako ay makapagpahinga dahil sa dami ng pasyente na aking inasikaso nang araw na iyon. Isama pa ang mga pasyente na biktima ng aksidenteng naganap kahapon na kinakailangan ng medikal na atensyon. Hindi ko na rin nagawang makapag-meryienda o di kaya makaupo man lang kahit sandali. Ang naiwan kong kape kanina sa lamesa ay tuluyan ng lumamig dahil sa labis na pagkaabala na pati ang oras ay hindi ko na rin napansin. “Dra. Aoi, pinapasabi ni Dr. Mercado kung pwede raw bang mag-straight ka pa ng isa pang duty,” sabi ng head nurse na si Nurse Almaro. “Ha? Nag-straight duty na ako simula pa kahapon,” sagot ko rito. Hindi pa man nag-iinit ang aking pwet mula sa pagkakaupo ay nasundan ako kaagad. “Maaga po kasing nag-out si Dra. Venitez, si Dra. S

