AOI’S POV “Eoghan! Anong gagawin mo? Kung anuman iyang balak mo, huwag mo ng ituloy. Baka nakakalimutan mo na nasa loob tayo ng hospital, wala tayo sa bahay,” banta ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at lumapit. “What? I just want us to have time for each other. You didn't come home last night and I was the only one there. Don't you know how much I missed you?” anito saka ako niyakap ng mahigpit at ibinaon ang kanyang ulo sa aking leeg. Napapikit ako ng mariin ng kintalan niya iyon ng mga halik habang ang kanyang kamay ay nakayakap sa aking likod at marahang bumaba sa aking pang-upo upang iyon ay kanyang haplusin. “I didn't have anyone to hug last night, Aoi. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko,” bulong nito habang hinahalikan pataas-pababa ang aking leeg. “Eoghan nasa hospit

