SA KABILANG DAKO…. Habang nag-aagaw buhay si Louisa ay nagkakagulo rin ang mga Kriegal. Tila hihimatayin si Clara na asawa ni Daniel Kriegal, umiiyak si Zeny, galit si Daniel habang si Zyran ay tila wala sa sarili. Ang asawa naman ni Zeny ay umiinom ng alak habang pinapanood ang kanyang buong pamilya. Dinala niya ang mga ito sa kanyang maliit na bahay na pag-aari ng kanyang mga magulang. Sa pamilyang Kriegal, si Dominic Lardizabal lang ang namumukod tanging pobre at sanay sa hirap. Naging sunod-sunuran siya sa kanyang asawa na si Zeny dahil sa mahal niya ito ngunit kahit nang maikasal sila ay hindi pa rin ginamit ni Zeny ang kanyang apelyido at nanatiling isang Kriegal. Maging ang kanilang anak na si Zyran ay hindi nakapangalan sa kanya dahil sa karangalan na maging parte ng Kriegal. Wa

