#30 Nasa isang café si Pauline dahil mayro'n itong ka-meeting kaso nacancel, dahil may emergency ang kaniyang ka-meeting, kaya imbis na masayang ang araw ay umorder nalang din siya ng kape at nag-stay ng ilang minuto. Habang si Gino naman ay inutusan ni Abi na bumili ng brewed coffee. "Good morning po, welcome to Coffee machine!" bati ng babaeng kahera kay Pauline. "Ate Paorder nga po ng brewed coffee, iyong grande." Sabi nito. "For dine-in po?" tanong ng kahera sa kaniya. "Dine-in po." Tugon nito. "110 php po lahat." Sabi ng kahera sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang wallet sa loob ng bag ngunit wala siyang madukot. "Ate, wait lang ah? Nandito lang iyon sa loob e." sabi niya na natataranta na. Muli niyang binuklat ang laman ng slingbag niya pero wala talaga iyong wallet niya, han

