#28 Sa sobrang lakas ng pagkakasapak ng lalaki sa mukha ni Pauline ay kaagad itong nawalang ng malay at dinala sa hospital. "Gising na po ang pasyente." Sabi ng doctor. Hindi alam ni Gino kung matatawa ba siya o maaawa sa itsura ng babae ng oras na iyon. Nakabenda ang mukha nito dahil sa namamaga pa ang mukha nito dahil sa nangyari. Kanina pa niya napapansin ang babae. No'ng una, inisip niya na pulubi ito, iyong mga tao bang nangdudutdut sa balikat mo tapos hihingian ka ng barya? Pero, sa gilid ng kaniyang paningin napansin niyang nakapustura naman ang babae at hindi siya mukhang pulubi. Kaya inisip niya na baka baliw. Iyong bang nakatakas sa mental hospital? Pero, masyado naman siyang maganda para maging baliw. Kaya nagkibit balikat nalang siya at nagpatuloy sa pagpili ng isdang gust

