Prologue
Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04
PROLOGUE
"Neung, sung, sawm." sambit ko habang nakatakip ang isang kamay sa aking mga mata.
I was surprised to see the result of the entrance exam of Thammasat University.
"Ai'Kit, nakapasa ako." halos pasigaw kong sabi at sabay yakap sa kaibigan ko.
"Wooaahh... Congrats Tum." masayang bati sa akin ni Kit.
"Magkakasama ulit tayo." sabi ko ng bitawan ko siya.
"Umm..happy ako Tum. Matutupad narin ang pangarap mo. Makikita mo na ulit siya."
Bahagya akong natigilan at pagkakuwa'y umupo sa upuan. Napatingin sa malayo at huminga ng malalim.
"Nakahanda ka na ba sa muling pagkikita niyo?" tanong ni Kit. Napatingin ako sa kaniya.
Ang nais niyang tukuyin ay ang muling pagkikita namin ni Tian, ang dati kong kaibigan. Nalaman ko kasing sa Thammasat University din siya mag-aaral kaya hindi malabong magtatagpo ulit ang landas naming dalawa.
"I don't know." tugon ko at napasandal ako sa upuan.
Tumabi sa akin si Kit.
"Pero hindi malabong magkikita kayo roon." aniya at napatingin sa akin.
"Ummm...I know. Pero hangga't kaya ko iiwasan ko siya." matamlay kong wika.
Dalawang taon na ang nakalilipas ng hindi kami nagkikita. Simula ng malaman niyang may gusto ako sa kaniya, biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Ang masakit, ipinahiya pa niya ako sa harap ng aming kaklase.
FLASHBACK
"Puwede ba Tum, layuan mo ako. Wala akong kaibigan na traydor. At kung sa tingin mo magugustuhan kita, nagkakamali ka. Hindi ako magkakagusto sa kapwa ko lalaki. At simula sa araw na ito, kalimutan mo na magkaibigan tayo." galit na sabi ni Tian matapos niyang malaman ang tunay kong damdamin sa kaniya.
Hindi ako makasagot at makakilos matapos niyang sabihin iyon. Lahat ay nakatingin sa akin at kita ko kung paano nila ako husgahan.
Dali-dali akong lumabas mula sa aming silid-aralan at patakbong tinungo ang CR at doon ay umiyak ako ng kaylakas dahil sa sobrang sakit.
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Akala ko gusto niya rin ako dahil walang sandali na pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa kaniya. Marahil na misinterpret ko lang ang kabaitang kaniyang ipinapakita.
Oo, umasa ako na magugustuhan niya rin ako. Ngunit nagkamali ako at sa halip pinagtabuyan pa ako nito.
Nagpunas ako ng aking mga luha at saka humarap sa salamin.
"Balang araw, ipapakita ko sayo na nagkamali ka." pagkuwa'y galit kong sabi.
Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ako pumasok at nagdesisyon narin akong lumipat ng ibang paaralan. Ipinangako kong kakalimutan ko na siya at babaguhin ko ang aking sarili. Balang araw, ipapakita ko sa kaniya kung sino at ano ako.
END OF FLASHBACK
"Pero nakalimutan mo na siya, di ba?" tanong sa akin ni Kit.
"Umm...wala na akong feelings sa kaniya." agad kong sagot at sabay tingin sa malayo.
"Kung ganun, wala kang dapat ipag-alala. Siguro naman kahit magkita pa kayo wala naring dahilan para mag worry ka."
I smiled looking at Kit. Tama siya, hindi nga dapat ako mag-aalala. Kung sakaling magkikita man kami ni Tian, sisiguraduhin kong iyong tipong hindi namin kilala ang isa't isa. Anyway, marami naring nagbago simula ng lumipat ako at sa tingin ko malabo naring maging magkaibigan kami ulit.
"Basta ba kasama kita lagi." wika ko at sabay sandal sa balikat ni Kit.
"Chai....lagi akong nasa tabi mo." agap na tugon nito at sabay hawak sa aking ulo.
Masaya akong magkakasama parin kami ni Kit na mag-aaral sa Thammasat University. Simula ng lumipat ako ng paaralan, siya na ang naging kaibigan ko. Naging malapit kami sa isa't isa dahil lagi kaming magkasama. Salamat sa kaniya dahil nakalimutan ko ang masasakit na kahapon.
Now, I am ready to enter Thammasat University and most of all I am ready for Tian and I to see each other again.
To be continued.................
Abangan niyo po ang episode 1 at ang muling pagkikita nina Tian at Tum......????
Author's Note: Don't forget to leave your comments and reactions. Episode 1 will be uplaoded soon.
Thank you so much for your support.
#BLisLife