Episode 2

2567 Words
Title: WITH YOU Author: Jenryl de Jesus Wattpad: @jenryl04 Dreame: @Moonlight04 EPISODE 2 TIAN “Dude hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko.” excited na saad ni Jump nang dumating. “Bakit pala?” tanong ni Pond. Bigla rin naman akong naintriga ngunit tahimik lamang akong napatingin sa kaniya. “Nagkita kami ni Tum kanina.” Nagulat ako sa sinabi niyang iyon na halos ikinalaki ng mga mata ko. “Si Tum? Dito siya nag-aaral?” tanong ni Pond na bakas din sa mukha ang pagkagulat. “Chai! Dito siya nag-aaral at hindi lamang ‘yun, napakaguwapo na niya ngayon.” “Awww! Dati namang guwapo si Tum ah.” kunot-noong wika ni Pond. “Alam ko ‘yun. Pero ibang-iba na siya ngayon. Hindi na siya nakasalamin at saka ang layo na ng look niya ngayon kumpara noon.” Dahan-dahan akong napayuko at bigla kong naalala ang nakaraan. Hanggang nakaramdam ako ng kakaibang kalungkutan na di ko rin naman sinasadya. “Tian, anong plano mo ngayon? Makikipagkita ka ba sa kaniya?” pagkuwa’y tanong sa akin ni Jump. Nag-angat ako nang tingin diretso sa kaniya “Hindi ko alam.” pagkuwa’y matamlay kong sagot. “Pero matagal mo nang hinintay ang pagkakataon na ito, di ba? I think ito na ‘yung tamang panahon na mag-usap kayo.” Napatingin ako kay Pond pagkatapos niyang sabihin iyon. “I don’t think so. Tingin ko, ayaw na niya akong makita.” matamlay kong sabi. Simula nang lumipat si Tum, sinubukan kong kontakin siya sa messenger ngunit binlocked ako nito kaagad. Sumubok din akong gumawa ng ibang account para makontak siya ngunit lahat ng ‘yun ay binlocked din niya kaya hindi na ako sumubok pang muli pagkatapos ng ilang beses na pagkabigo. “Dalawang taon na ‘yun Tian. Sigurado ako napatawad ka niya sa lahat nang ginawa mo.” Napatingin ako kay Jump. “Hindi ko alam kung dapat pa ba kaming muling magkita. Natatakot ako na baka hanggang ngayon galit parin siya sa akin.” Hinawakan ni Pond ang balikat ko. “Mabait si Tum. Alam kong napatawad ka na niya. Wala namang mawawala sayo kung subukan mong kausapin siya. Di ba, gusto mong bumalik kayo sa dati? Di ba gusto mong maging magkaibigan kayo ulit? Tian, ito na ang tamang pagkakataon na ibalik ang lahat ng mayroon kayo noon.” May punto ang naging pahayag ni Pond. Pero hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala dahil feeling ko ayaw na akong makita ni Tum. “Heto! Tingnan niyo siya ngayon.” sabi ni Jump sabay pakita ng kaniyang cellphone. Binuksan nito ang sss account ni Tum. Nagulat din ako nang makita ko ang profile pic nito. Ibang-iba na ito kumpara noon. Hindi na nga siya nakasalamin at tama si Jump, napakaguwapo na nga niyang tingnan ngayon. “Di ba tama ang sinabi ko? Mas guwapo pa siya pag nakita niyo siya sa personal.” Mas lalo akong naintriga dahil sa narinig ko. Halos ayaw kong bitawan ang cellphone habang titig na titig parin ako sa larawan ni Tum. Hindi ko alam, ngunit parang kinapos ako bigla ng hininga. Ilang sandali lang ay dumating si P’Jane, ang pangulo ng aming faculty. “N’Tian, next day na gagawin ang pictorials. Kailangang maging guwapo ka sa araw na ‘yan.” anito paglapit sa amin. “Khrap.” agap ko ring tugon. Hanggang ngayon, nag-aalala parin ako sa pagpili nila sa akin na lalaban para sa King and Queen 2020. Ayaw ko sanang sumali ngunit naging mapilit sila kaya napa-oo narin ako. Sa tuwing iisipin ko iyon, para bagang malalagutan ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Hindi ako sanay humarap sa maraming tao at higit sa lahat wala rin akong hilig sa mga ganitong pa-contest. “Sisiguraduhin natin Nong na mananalo ka.” nakangiti pang sabi ni P’Jane. “Khrap.” sabi ko at tinugunan ko rin iyon ng isang pilit na ngiti. “Sige Nong, kita nalang tayo ulit bukas.” sabi ni P’Jane at sabay paalam. “Bye P’.” sabay naming tugon na tatlo. Pagkatapos umalis ni P’Jane ay nagyaya sina Pond at Jump na pupunta ng canteen. Habang nilalakbay namin ang kahabaan ng hallway papuntang kantina ay bigla na lamang kaming hinarang ng grupo ng mga mag-aaral. Saglit naman kaming napatigil nang nasa harapan na namin sila. “N’Tian, kami ang mga supporters mo.” wika ng isang lady boy student. “Chai kha Nong. Susuportahan ka namin hanggang manalo ka.” sabi naman ng isa pang lady boy student. “Di ba girls?” tanong pa nito sa kaniyang mga kasama. “Chai kha!” sabay namang sagot ng mga ito. “Khaawp khun khrap.” mahina kong sabi at sabay wai sa kanila na tanda ng aking paggalang bilang mga seniors namin. “Nong, sigurado kaming mananalo ka. Sa guwapo mong yan, naku ikaw na talaga ang magiging King 2020.” Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng isang babaeng estudyante. Mabuti pa sila confident na mananalo ako. Pero ako, ewan ko lang. Gusto ko na ngang umatras kung puwede lang. Tahimik na nagtawanan sina Pond at Jump nang umalis ang mga ito. “Sa tingin ko hindi mo na kailangang umatras, dahil pag ginawa mo ‘yun sigurado ako maraming madi-disappoint sayo.” Natakot tuloy ako sa naging pahayag ni Jump lalo pa’t nakita ko ang kakaibang ngiti niya. “Exactly! Kaya dapat gawin mo ang best mo para maipanalo ang laban.” segunda naman ni Pond. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila. Tinitigan ko sila ng may kataliman. Mas lalo akong kinakabahan dahil sa sinabi ng dalawa kong kaibigan na hindi ko alam kung mino-motivate ako or tinatakot. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang narating namin ang tapat ng pinto ng kantina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napatigil na lang kami bigla nang makasalubong namin si Tum at ang kasama nitong lalaki. Tumigil din sila nang makita kami. Nagulat ako at halos nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Sa kabilang banda, nakita ko rin ang pagkagulat niya dahil alam kong hindi niya rin inaasahan ang tagpong ito. “Tum….” sambit ni Jump sa pangalan niya. Ngayon lang din siya gumalaw na kanina pa sa aki’y nakatingin. “Ahhh….” Halos hindi siya makapagsalita at biglang namula ang pisngi nito. Iniwas din niya ang mga mata papunta sa dalawa kong kasama. “Ju-Jump.” nauutal pa nitong banggit sa pangalan ni Jump. Kasunod ‘nun ay binanggit din nito ang pangalan ni Pond. Ngunit ang pangalan ko ay hindi man lang niya kayang sambitin kahit pa kaming dalawa ang magkalapit ngayon. Nalungkot ako bigla subalit nauunawaan ko rin naman iyon. Tama si Jump, ibang-iba na nga ang look niya ngayon. Napakalayo na nito sa dating Tum na nakilala ko. Pansin kong mas naging strong ang kaniyang personalidad kumpara sa dating napakalambing at napakaamo niyang mukha. “Tum, musta ka na?” tanong ni Pond sa kaniya. “Ahhmm…ok lang ako. Ikaw Pond, musta na?” “I’m fine. Tama nga si Jump, napakaguwapo mo na ngayon.” Bahagya lamang siyang ngumiti at pagkuwa’y tumingin sa akin muli na mas lalong ikinalakas nang kabog ng aking dibdib. “Sige, aalis na kami.” anito pagkatapos ay tumingin ulit kina Jump at Pond. Para akong tuod na hindi makakilos sa aking kinatatayuan nang dumaan siya sa gilid ko. Gusto siyang hawakan ng aking kamay ngunit hindi ko maikilos ito. Hanggang nakaramdam ng kakaibang kirot ang puso ko. Alam kong galit parin siya hanggang ngayon dahil hindi man lang niya ako pinansin at sa halip tiningnan pa ako nito ng masakit. Nais dumaloy ng aking mga luha ngunit pinigil ko rin ito kaagad. “Hey dude! Ok lang yan. Unang beses niyo palang na nagkita ngayon after two years. But believe me, magiging ok din ang lahat sa inyo.” pagkuwa’y wika ni Jump. “Galit siya sa akin. Nararamdaman ko ‘yun.” malungkot na sabi ko. “Siguro normal reaction lang niya ‘yun kanina. Hindi rin kasi madali ‘yung ginawa mo sa kaniya noon.” Mas lalo akong naging malungkot dahil sa sinabi ni Pond. Kung puwede ko lang ibalik ang lahat, hinding-hindi ko ‘yun gagawin kay Tum. Kung alam lang niya, labis din akong nasaktan sa mga nagawa ko sa kaniya noon. Nilingon ko si Tum at ang kasama nito habang papalayo. Sabi ng aking isipan habulin ko siya ngunit puno naman ng takot ang aking puso na baka pagtabuyan niya ako gaya nang ginawa ko sa kaniya noon. Dumiretso kami sa loob at bumili ng pagkain. Naghanap kami ng bakanteng upuan at mesa at saka pumuwesto. Nagsimula nang kumain sina Pond at Jump samantalang hindi ko naman ginagalaw ang inorder kong pagkain sa aking harapan. Ang totoo kasi, nawalan ako ng gana ngayon. TUM Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ni Tian kanina. Kung kailan iniiwasan ko siya ay saka naman kami pinagtagpo, at ang masakit sa unang araw pa talaga ng pasukan. Bigla tuloy nawala ang gana kong pumasok ngayon. “Well, hindi pala kita masisisi kung bakit nagustuhan mo si Tian. Talaga palang napakaguwapo niya.” pahayag ni Kit at pagkuwa’y umiling sa huli. Sinulyapan ko siya at inismiran. “Hey! Akala ko ba wala ka ng feelings sa kaniya.” “Wala naman talaga!” giit ko. “Eh bat parang affected ka?” Bigla akong naasar sa tanong niya. Pakiramdam ko kasi pilit niyang idinidiin sa akin na hindi pa ako nakakamove-on kay Tian. Pinakalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng isang simple at patagong hininga. “Hindi ako affected.” pagkuwa’y tanggi ko. “Hindi ko lang kasi inaasahan na makikita ko siya ngayon. Kung kailan iniiwasan ko siya saka ko pa siya makikita. And the worst thing is, ngayon pa talaga na first day ng pasukan.” “Ai’Tum, kahit naman anong iwas mo, magkikita at magkikita parin kayo. Maliban nalang kung nasa magkaibang school kayo nag-aaral. But remember, nasa Thammasat University kayo pareho kaya whether you like it not pagtatagpuin talaga ang landas niyong dalawa.” “I know. Pero bakit kailangang ngayon talaga mangyayari ‘yun?” “Maybe naka-destined ang pagtatagpo niyo sa araw na ito. Besides, ikaw narin ang may sabi na wala ka ng feelings sa kaniya. So I guess, hindi mo dapat iniisip ang bagay na ‘yun. Learn to forget and learn to forgive.” “Mai!” nagtaas ang boses ko. “Galit ako at gusto kong ipamukha sa kaniya na na heto na ako ngayon. Ito na ‘yung taong sinaktan at pinahiya niya noon.” Tinitigan ako ni Kit sa aking mga mata at sabay kunot ng noo. “In that case, isa lang ang masasabi ko, hindi ka pa nakaka-get over sa kaniya.” Kumunot ang noo kong tumitig sa kaniya. Hindi pa ako nakaka-get over? Kung ganun, ano itong galit na nararamdaman ko? “Wala na akong feelings sa kaniya, ok?” nagmamatigas ang tono ng aking boses. “So forget about him. Kung magkikita man kayo, kumilos ka ng parang normal lang. Tum, ang taong naka-move on ay hindi na affected sa kaniyang past. Past is past. I guess, tapos na ang kuwento niyong dalawa.” Natahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Kung mag-iinsist pa ako, iisipin pa nito lalo na hanggang ngayon may feelings parin ako para kay Tian. Sa kabilang banda, naiisip ko ring may katuturan din naman ang kaniyang mga sinabi. Papunta kami ni Kit sa Faculty of Fine Arts nang sinalubong kami ni P’Pring. “N’Tum.” tawag nito sa aking pangalan. “P’Pring?” “Puwede ba tayong mag-usap Nong?” “Khrap.” sabi ko at sabay tango. “Nong, napagdesisyunan namin na ikaw na ang magiging representative ng ating faculty sa King 2020.” Nagulat ako sa sinabi ni P’Pring. “Huh?” gulat na sambit ko. “Yes Nong. Pinili ka ng lahat ng mga seniors.” “Pero P’ -.” “Nong please…wala na talaga kaming ibang maisip. Ikaw lang talaga ang nakikita naming bagay sa titulo.” Napaisip ako hanggang maalala ko si Tian. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi na ako gaya ng dati. Gusto kong patunayan sa kaniya na higit pa ako sa inaakala niya. Kaya…….. “Ok P’. Payag ako.” sabi ko na ikinagalak ni P’Pring. Biglang napatingin sa akin si Kit. “Khaawp khun na Nong.” masayang sabi ni P’Pring. “Mai pen rai P’.” “Kaming bahala sayo Nong. Asahan mo ang suporta ng buong Faculty of Medicine.” “Khrap.” “Sa Wednesday ang pictorials Nong. Kailangan mong maghanda sa araw na yan.” “Ok P’Pring.” Nang makaalis si P’Pring ay saka naman ako tinitigan ni Kit ng may pagtataka sa kaniyang mukha. “Akala ko ayaw mong sumali. Bakit biglang nagbago ang isip mo?” takang tanong niya. “Di ba ikaw na ang may sabi na panahon na para ipakita ko ang guwapo kong mukha.” sagot ko at sabay ngisi. Ang hindi niya alam, si Tian ang dahilan kung bakit pumayag ako. “Ahhh….kung ganun, suportado kita.” si Kit at sabay tapik sa aking balikat. TIAN Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko ang muling pagkikita namin ni Tum kanina. Napakalaki na nga ng kaniyang pinagbago physically at maging ang pakikitungo nito sa akin. Inaamin kong nasaktan ako kanina nang titigan niya ako ng matalim. Ang totoo, sobra ko siyang namimiss at gusto ko siyang yakapin kanina subalit pigil ang sarili kong gawin iyon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kapagkuwan ay napasandal. Kinuha ko ang cellphone at pagdaka’y nagbukas ng f*******:. Sinubukan kong i-type ang pangalan ni Tum sa search people ngunit wala paring lumalabas na pangalan niya. Naka-blocked parin ako hanggang ngayon. Lumapit ako sa maliit na drawer at hinugot mula rito ang Diary ni Tum na matagal ko ng tinatago. Ito ang Diary niyang nakita ng mga kaklase namin noon. Lahat ng kaniyang lihim na pagtingin sa akin ay nakasulat dito. Hindi niya ito nakuha kaya tinago ko ito sa loob ng dalawang taon. Binuksan ko ang isa sa mga pahina at muling binasa ang nakasulat dito. “Habang araw-araw ko siyang nakakasama ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam kong hindi ito normal na damdamin ng isang kaibigan pero hindi ko maiwasang mahalin siya ng palihim. Mahal ko ang bestfriend ko at hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya. Natatakot ako na baka hindi niya ako magustuhan at maunawaan. Ayaw kong mawala sa akin si Tian, kaya ililihim ko ang lahat ng ito sa kaniya.” Habang binabasa ko iyon ay hindi ko namamalayan na nagsimula na palang magbagsakan ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Hanggang naalala ko ang sinabi ko sa kaniya noon. “Puwede ba Tum, layuan mo ako. Wala akong kaibigan na traydor. At kung sa tingin mo magugustuhan kita, nagkakamali ka. Hindi ako magkakagusto sa kapwa ko lalaki. At simula sa araw na ito, kalimutan mo na magkaibigan tayo.” “I’m sorry Tum. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Kung alam mo lang Tum.” lumuluhang wika ko habang yakap ko na ang kaniyang Diary. To be continued.................. Author's Note: Dont forget to vote and leave your comments #cttophotonotmine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD