Pababa na kami ng sasakyan nang kilitihin ako ni Victor. Napahagikgik ako sa tawa habang yumayakap ng mahigpit sa kanya. Naluluha na rin ang mga mata ko sa sobrang tuwa. Masarap lang sa pakiramdam dahil malaya akong iparamdam sa kanya kung ano ang tunay na nararamdaman ko. Tama nga sila, panahon ang kailangan para makapag isip ng husto. Ayoko nang mawala sa buhay ko si Victor, dahil baka mabaliw ako kung sakali. “V-Victor, tama na iyan!” Tili ko nang dilaan niya ang aking leeg habang kinikiliti ang beywang ko. “Hindi kita titigilan!” Natatawang sagot nito. “Si Mama.” aniya at tumigil sa kalokohan na ginagawa niya. Mabilis akong umayos sa pagkakaupo nang buksan ni Sylvia ang pintuan ng sasakyan. Bumungad ako sa kanya na nakangiti ang mga labi. “Mukhang maganda ata ang byahi niyo ah, na

