“Mukhang maganda ang mood ng pinsan ko ngayon ah. Anong rason? Pag-ibig?” Hula ni Sylvia habang malapad na nakangiti sa akin. May bitbit siya na isang tasang kape at binigay niya iyon sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na nakangiti ako habang nakatingin sa kawalan. Yumuko ako na parang nahihiya sa pinsan ko. “Hmmm…sabihin mo na sa akin kung sino ang lalaking nagpapatibok ng puso mo.” Siniko niya ako para kulitin. Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi at mas lumawak ang aking ngiti sa kanya. “Insan, inlove na ata ako.” Uminit ang pisngi ko pagkatapos kong sabihin iyon. Siguro para na akong kamatis sa sobrang pula. Biglang napatili sa akin at hinawakan ang aking kamay. Tumatalon siya habang hawak ako, at hindi ko namalayan na sa sobrang saya ay ginaya ko na rin siya. “Ahhh! Talaga?!

