Nawala ang liwanag sa kanyang mga mata at matamis na ngiti sa kanyang labi sa aking naging sagot. I can’t believe a guy like him is kneeling in front of me, proposing, na gusto niya akong maging wife. It’s too overwhelming kaya naiyak na lang ako at hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Ayoko na tanggapin ang kanyang proposal na sa sarili ko ay may doubts pa rin ako. Feeling ko dinadaya ko siya pag pumayag ako. I love this man pero ayoko na sa last minute ay bigla na lang akong umatras dahil sa takot ko. Kaya mga mabuting ngayon pa lang at tanggihan ko na siya. Unti-unting bumaba ang kanyang kamay at malakas siyang bumuntong hininga. Parang may sumaksak sa puso ko sa itsura niya. Kung pwede ko lang bawiin, pero mas gusto ko na ganito na lang muna kami. Masaya naman kaming dalawa

