Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nag-iinuman kami ngayon ng aking kapatid. Nasa loob ang mga bata at pati na rin ang mga partners namin na hanggang ngayon ay gumagawa pa rin ng kanilang recipe para sa tinayo nilang food house. Dayoff ko ngayon at tumambay lang kami sa bahay buong araw at inalagaan ko na rin ang aking mga anak na miss na miss ko na. Sobrang busy din kasi ako sa trabaho kaya madalas late na akong umuuwi. Tulog na silang dalawa pag-uwi ko, minsan maging si Charis ay tulog na rin kaya kulang na kulang ang isang araw na wala akong pasok. Tumingin ako sa loob ng bahay at nakikita kong naglalaro ang dalawang babae kasama ang mga bata. Naririnig ko ang kanilang mga tawanan and it’s a great music to my ears. Hindi ko maiwasan na ngumiti habang nakiki

