Chapter 2

1319 Words
Chapter 2 Stand and Strong Sa kabila ng mga pinagdadaanan niyang pighati, pagkabigo, at pagkawasak ng kanyang kalooban, mas pinili pa rin niyang bumangon at lumaban sa agos ng buhay. "Siguro, ma'am, hindi talaga para sa'yo si Sir Ricardo. May mas mabuti pa po kaysa sa kanya. Mahirap man po tanggapin dahil kahit kami na employedo mo po, nanghihinayang at nasaktan po para sa'yo, ma'am. Mahirap pero makakamove on ka rin po. Hindi man ngayon, pero soon po," mahinahon na pagdamay sa akin ng manager ko dito sa coffee shop. "Thank you, Lynette. I appreciate your good words. Pipilitin ko talagang maging positive araw-araw," walang sigla niyang sagot sa kanya. "Ma'am, dali! Magtago ka! Nandito ang bruhang pinsan mo," pinayuko siya nito agad. Ayaw niya sanang ipakita sa kanya na hindi kawalan si Ricardo, kaso hayaan niya na muna itong maging tanga ngayon. "May kasamang dalawang unggay!" bulong pa nito. "Unggay?" mahina niyang panggagaya. Pero wala nang sagot ito. "Good afternoon, mga madam! Anong order ninyo po?" magalang na tanong ng cashier niya. "Mine is one Americano for my husband and one salted caramel cappuccino. Thanks," Naparoll-eyes siya sa kaartehan ng boses ng pinsan niya, parang naipit na kambing. 'Nakaw na husband, dapat hindi husband lang,' sigaw ng isipan niya. Pero sinita niya ulit ang sarili dahil hindi naman sila kasal ni Ricardo. Nagulat siya ng magkagulo sa cashier. "Ma'am, hindi ko po kasalanan na sinadya mong ihulog ang binigay kong creamy caramel macchiato sa'yo," sagot ng cashier niya. "Sinungaling ka! Aabutin ko pa lang, binitawan mo na!" sigaw ng kaibigan ng pinsan niya. Lahat ba ng magiging kaibigan nito ay eskandalosa? Noong isang buwan, ginulo na naman nila ang cafe. "Hawak mo na, ma'am, ng binitawan ko. Nagpipindot na ako dito sa isang order pa ninyo, ma'am," matapang na sagot ng cashier niya. Napasigaw ang cashier niya dahil sa pagtapon ng babae sa kanya ng kape na binili nila. Naamoy niya, it's cappuccino, kinuha siguro nito ang binili ng kaibigan at isinaboy sa cashier niya. Gumapang siya at kumuha ng mop. Sa labas siya magmamop sa tabi nila. Dumaan siya sa kabila para hindi nila agad makita. May binuhos siyang tubig sa tabi nila. Nagsisigaw naman sila sa kaartehan. Lihim siyang napangiti. "Oopss, sorry, ang dumi kasi, ang daming langaw at ipis na nagkalat dito. One, two, three, four, and five," bilang niya sa kanila at dinamay na rin niya ang ibang tahimik na nagkakape dito sa loob ng cafe niya. Masamang tumingin ang mga ito sa kanya. "Hello, cousin!" maarteng bati ng babaing ito. "Sorry po, who are you?" kunwari ay magalang niyang tanong. Biglang sumama ang mukha ng pinsan niya. Mukhang napahiya kasi ito sa ginawa niya. "Iba rin ang trip ng pinsan mo, ano, Bianca?" inis na sabi ng isa. "Alis na po kayo, nakakadumi na kayo sa cafe na ito, este, para malinisan ko na ang dumi dito sa sahig." baliwalang sabi niya at hindi sila pinansin. "Bakit hindi mo pa ipatanggal sa trabaho niya dito ang pinsan mong bansot!" sabi ng isa. "Bansot man sa inyong paningin, di hamak na mas maganda naman ako sa inyo, ano," humalakhak naman ang mga ito sa sinabi niya. "Ang hangin mo rin ano!" insulto nila sa kanya. "Mahangin na maganda! May class, fresh from the moving up ceremony, I'm happily ever after shocked. I'm not a snake, a cheap cheata, I'm not a hakdog snatcher, and I have delicadeza. Sorry, nagtutula lang ako dito," rinig niyang bumungisngis ang mga nakarinig sa sinabi niya! "Ako ba ang pinagsasabihan mo ng ganyan ha, bansot ka!" Bago pa niya maitapon sa kanya ang hawak niyang Americano coffee, nasangga na niya gamit ang mop na hawak niya. Ayon sa mga kaibigan nito, natapon ang kape. Sumigaw sa kaartehan ang tatlong bruha na ito. "Pea!" galit na sigaw ng isang toadfish na mahilig kumain ng iba't ibang tahong! Umirap lang siya at nagmartsa paalis sa harapan nila. "Ilayo mo, toadfish, ang babae mo at ang mga alipores niya! Ginugulo na naman nila ang tahimik na cafe na ito! Kapag ito'y nagsara at mawalan ako ng trabaho, guguluhin ko ang mundo ninyo!" seryoso at may tapang na tono. "Nagagalit lang 'yan dahil ako ang pinakasalan mo, hindi ang bansot na 'yan! Sinaktan niya ako, my love," nag-drama na naman ang fake na babaeng ito. Napatiimbagang siya sa sinabi nito! Masakit na masakit pa rin ang ginawa nilang pangloloko sa kanya. Ang gagong ito, naniwala naman. Nagulat siya nang malakas na hilain ni toadfish ang braso niya. Kaya napalapit siya dito. "Are you out of your mind, Pea? Hindi mo pa rin ba matanggap na siya ang pinakasalan ko at hindi ikaw? Kung may galit ka sa akin, ilabas mo, hindi sa asawa ko!" galit na duro pa niya sa kanya. "Ganyan ka ba kahayok sa püke na hindi ka makahintay na ibigay ko iyon sa'yo?" ganting sagot niya. Akmang sasampalin siya nito nang may umawat sa kamay nito. Hindi pa nakontento ang lalaki, pinadapuan niya ng suntok ang ex-fiancé niya. Nagsisigaw na ang pinsan niya. Deserve niya 'yan! "Kalalaki mong tao, nananakit ka ng babae? Gago ka ah!" galit na sabi ng lalaking tumulong sa kanya. "Gago ka! Sino ka, ha? Hindi mo ba ako kilala!" sigaw ni toadfish ng makatayo na ito sa tulong ng asawa niya. "Kilala sa larangan ng larong soccer, oo pero lampa ka naman, gago ka! Anong silbi ng advocacy ng grupo ninyo kung mananakit ka lang naman pala ng babae? Kahihiyan sa team mo ang kagaguhan na pinaggagawa mo. Para kang bakla kung umasta!" seryoso, pero may galit sa boses nito. Tumingin si toadfish sa kanya. Masama at may pagbabanta. "Binabalaan kita, kapag sinaktan mo pa ang asawa ko..." "Ang asawa mong bruha ang pagsabihan mo ng ganyan, hindi ako! Sila ang nanggugulo dito, sinayang nila ang mga kape na hindi pa nila nababayaran at tinapon lang. Ipapa-pulis ko ang mga babaeng iyan. We have CCTV cameras here for evidence! Huwag ako ang balaan ninyo dahil nananahimik ako dito, mga püta kayo!" sigaw niya sa inis! "Deserve ninyo iyan! Aside sa poor assistant ng mga empleyado dito, hindi pa masarap ang kape ninyo!" patutsada ng isa pa. "Hindi mo pa nga nainom ang kape na binili mo nalasahan mo na? Nasa paa mo na ba ngayon ang bunganga mong mabaho?" galit niyang tanong. "Gaga ka ah!" sigaw nito. Umirap lang siya. Tsk! Lintik wag na wag nitong sisirain ang cafe business niya. "My Tito is head of the police station kaya pwede lang nila i-dismiss ang kaso," sabi rin ng isa. "Ayos lang 'yan dahil pera-pera lang naman ang labanan, kapag mayaman ang dehado! Sa social media ko na lang ipopost lahat ng platform na sikat dito sa Pilipinas, i-upload ko ang copy ng CCTV footage," matapang niyang sabi sa kanila. Natahimik sila sa sinabi niya. "Pero dahil mabait ako, hindi ko gagawin iyon. May respeto pa rin ako sa sarili ko na wala sa inyo. Now get out of here. Kung ayaw niyong maligo ng masarap na coffee," dagdag niya pa. Ito lang ang paraan niya para maibsan ang sakit na ginawa nila sa kanya, ang magtapang-tapangan. "Hindi pa ako tapos sa iyo, b!tch!" pero hindi niya na pinansin ang pinsan. "Thank you, mister!" pasasalamat niya sa lalaki. "Kada punta ko dito, may eksena na naman. Ang kaibahan lang ay may kaaway ka na. Dati, sarili mo lang ang kaaway mo," sabi nito. Mukhang pamilyar nga sa kanya ang lalaking ito. Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita o kailan niya na-encounter. "Pabili ng kape!" Siya nga! sigaw ng isip niya. "Walang kape dito, coffee lang ang meron! Umuwi ka na sa bahay niyo at magpatimpla ka ng kape!" nagpadyak pa siyang umalis doon at pumasok sa loob ng opisina niya. Narinig niya lang itong tumawa, pero hindi na niya pinansin pa. Dahil bigla siyang nahiya sa sarili at sa mga pinagsasabi niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD