Chapter 1
First encounter
Nandito siya sa coffee shop na pagmamay-ari niya. Close ang coffee shop niya sa araw rin na ito. Dito siya nagtambay para walang makakakita sa kanya kung gaano siya ka-devastated, at ka-miserable. Sobrang durog na durog at galit na galit siya sa dalawang taong masaya na nasa TV.
"Para saan ang pagpapakita ninyo sa TV kung alam ninyong dalawa na may sinaktan kayong tao! Mga manloloko kayo, hintayin niyo ang karma ninyo!" galit na galit kong sambit.
"Sana hindi ka na lang nag-propose sa akin kung ibang babae lang din naman pala ang pakakasalan mo gago ka! Sana umamin na lang kayong dalawa kisa paglaruan ninyo ang damdamin ko! Mga taksil kayo! Hayop!" sigaw ko.
Humagulhol na naman ako habang nakatingin sa tv. Ayaw ko man panoorin pero wala akong lakas para patayin ang tv. Ako rin naman ang nanakit sa sarili ko. Ito ang tandaan ninyo, hinding hindi ko kayo mapapatawad!
Masamang masama ang loob ko habang matalim na nakatingin sa screen ng tv. Ang sakit-sakit lang na nagawa niya akong lukuhin. Sila ng pinsan kong bruha na malandi, mang-aagaw, inggetera at pakialamera! Gaga! Tangina mo! Nagpupuyos na naman ako sa galit.
Tumulo na naman ang masaganang luha sa pisngi ko. Awang awa ako sa sarili ko dahil sa kagagawan nilang dalawa. Pinagtatawanan ako ng mga kamag-anak ko na mga inggetera. Dahil hindi ako ang pinakasalan ng long time boyfriend ko.
Mas pabor pa sila sa pinsan kong mang-aagaw kesa sa akin na inagawan. Alam nilang fiance ko ang lalaki pero wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Mas kampi sila sa pinsan kong si Lani kisa sa akin. Mas bagay raw ang dalawa kisa sa'kin na bansot!
"Tangina ninyo!" gigil kong sigaw na naman.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat masaya ka dahil ikinakasal na ang dalawang nagmamahalan,"
Napatigil ako ng may narinig akong nagsalita sa gilid ko. Pero ang luha ko ay patuloy pa rin na tumutulo sa pisngi ko. Hindi ako nagsalita, hindi ko rin siya pinansin.
"Pabili ng kape!" rinig ko pa na sambit ng lalaki. Seryoso ang boses nito at buo. Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Kape? Parang nasa bahay lang ah!
"Walang kape dito! Coffee ang meron! Umuwi ka sa bahay ninyo at doon ka magtimpla ng kape mo," sagot ko habang umiiyak. Hindi rin ako nakatingin sa lalaking nagsasalita.
"Kape ang Tagalog ng coffee, it means same lang sila," nagpanting ang tainga ko.
"Sosyal kasi ang coffee shop na ito. Kaya coffee ang tawag sa kape. Hindi ba kapag nag-order ang mga tao, ang sinasabi nila coffee black, espresso macchiato or americano! Walang nagsasabi ng pabili po ako ng maitim na kape," inis kong sambit.
Pero ang gago humalakhak lang ito. Doon lang ako lumingon sa lalaki na tumatawa pa rin hanggang ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na nakaramdam ng kakaiba ang pintig ng puso ko.
"Walang nakakatawa! At isa pa close ang coffee shop na ito? Paano ka nakapasok?" masamang tingin ang ipinukol ko sa lalaking gwapo.
"Dumaan ako sa pintuan, open ang nakalagay kaya pumasok na ako," kaswal na sambit pa nito.
"Pwes! Lumabas kana dito at pakipalitan ng close ang sign board sa pinto bago ka lumabas! Nakakaistorbo kana dito! Alis!" irap ko sa kanya.
Pero ang mokong hindi natinag. Nakangisi lang itong nakatingin sa akin na parang na-amaze pa.
"Tsee! Walang nakaka-amaze sa brokenhearted na katulad ko!" bulalas ko. Natawa naman ang lalaki.
"You're really amazing,"
"I don't care and get out!"
"Yung kape ko na order. Maitim na kape! Bago ako umalis," mahina pa itong tumawa. Nang-aasar ba ito?
Sinamaan ko siya ng tingin ulit. "Walang gagawa sa kape mo dito. Walang trabahador dito at close ang coffee shop ko. Kita mong nagluluksa ako dito di ba?" pa-irap kong sabi.
"Hindi naman patay ang nasa tv para magluksa ka," sabi ng lalaki.
"Hindi nga patay, pero nagluluksa ako dahil sa kataksilan nila! Mga manloloko sila! Mga walang kwentang tao sa mundo! Mga taksil, tangina nila, niloko nila ako! Pinaglaruan ang damdamin ko! Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa nila sa akin ha?" sigaw ko sa lalaking nakatitig lang sa akin. Umiling naman ito.
"Fiance ko ang lalaking iyan! He proposed to me, ikakasal na sana kami, okay na rin ang lahat. Isang buwan na lang ang hinihintay namin! Tapos pag-gising ko inagaw na siya ng pinsan kong malandi! Siniraan niya ako sa fiance ko! Itong kumag na gagong siraulong hinayupak na walang balls na lalaking ito naniwala naman! Pinatikim lang siya ng amoy patis na tahong ayon napikot ang gago! Tangina nila!" galit na galit kong sigaw sa kanya.
Napatulala lang ang lalaki habang nakatingin sa akin. Hindi ba ito naniniwala sa sinabi ko?
"I came here to buy coffee, hindi ang taga kinig sa hinanakit mo sa walang kwentang lalaki na iyan!" sagot naman nito.
"Go find another coffee shop na may tindang kape! Dahil walang magtitimpla sayo dito! Kita mong nag-iimot ako istorbo ka. Alis ka na dito! Trespassing ka!" sigaw ko.
"Come on, magtimpla ka na ng kape. Make it two para sa'yo ang isa, libre ko na sayo para mainitan naman ang nagluluksa mong damdamin," parang nang-aasar pa ang hinayupak na ito!
"At inuutosan mo na ako?" matalim na tumingin ako sa kanya.
"Then close this coffee shop kung ayaw mong asikasuhin ang customer mo," sagot naman nito. Parang balewala sa kanya ang pag-susungit at galit ko.
"Close naman kasi ngayon, sino ba may sabi na papasok ka dito? Tapos magrereklamo ka dahil hindi ka magawan ng coffee na order mo!"
"Close it forever!"
"At sino ka para utusan ako ng ganyan! This is my coffee shop, walang kape dito coffee meron! At gagawin ko ang gusto kong gawin dito. Makakaalis kana. Never come here again," pagtataboy ko na.
"Then coffee, I'm already here. Hindi naman siguro mahirap magtimpla ng coffee dahil Isa lang naman ng order ko," diniin pa talaga niya sa pagbigkas yung coffee.
"Ang kulit mong siraulo kang trespassing ka! Feeling close na hindi naman kita kilala. Anonymous na naghihingi ng kape akala mo bahay mo ito!" sarkastiko kong sambit.
Nawala na tuloy ang pag-iimot ko, napalitan ng inis at kaba sa dibdib dahil kakaiba ang presensya niya sa akin. Kaya dinadaan ko na lang sa galit at inis.
"Napakaliit mo tapos ang lakas ng boses mo. Napakadaldal mo!" puna nito.
"Hindi ko kailangan ang pag-describe mo sa akin. Hindi ko hinihingi ang opinion mo tungkol sa height at boses ko. Wala kang pake! Galit ako at naiinis kaya sana lubayan mo ako!"
"Order..."
"Oppsss... isa pa close ang coffee shop ko. Ilang ulit ko ng sinasabi sa'yo! And wag kang feeling close dahil hindi naman kita kilala!" inis ko.
"I'm Zyndon, taga kabilang building. Naparito para bumili ng kape. Kaso umiiyak ang tindera ng coffee shop. Wala rin kape, pero coffee meron. Sosyal raw kasi ang coffee shop na ito. Tapos madrama ang may-ari ng coffee shop, mukhang bitter rin. Sana hindi mahawa ang black coffee na o-order'n ko, hindi sana mapait at---"
"Stop! Walang matamis na black coffee unless lagyan mo ng two tablespoons na sugar or condensed milk!" awat ko na agad. Hindi ko na siya pinagsalita pa.
"Kalalaki mong tao marunong kang magsalita ng mga ganyan salita at kahaba! Imbes makisympatya ka nang-aasar ka pa lalo! Kayo talagang mga lalaki kayo sakit sa ulo ang dulot ninyo sa mga babae. Parang wala kayong ina na kung manakit kayo ng babae wagas!"
"Wala akong ginagawa sayo---"
Pinutol ko ulit ang sasabihin nito. Dahil naiinis na naman ako ng maalala ang pagtataksil ng fiance ko.
"Madali lang para sa inyo na saktan kaming mga babae dahil akala ninyo ikakalalaki ninyo iyan. Masyado kayong mahigh ego, high pride at feeling above the law! Kung may magic lang ako sigurado putol lahat ang batuta ninyong mga lalaki at itlog na lang ang natitira sa inyo!" sikmat ko.
"Hindi ako ang nagloko, hindi ako ang fiance mo para sa akin mo ibunton ang galit mo. Bibili lang naman ako ng kape," sagot nito.
"Ikaw ang nandito kaya ikaw ang sasalo sa lahat ng inis at galit ko,"
"Yung kape ko ng makaalis na ako dito," sabi naman nito.
Kaya padabog na akong nagtungo sa coffee maker at gumawa ng kape niya. Habang ginagawa ko ang kape niya ay lumuluha na naman ako. Hindi ko pa rin talaga makakalimutan ang ginawa nila sa akin. Sumisikip na naman ang dibdib ko.
Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang sticky note at pen para magsulat ng quote sa maliit na papel.
"From brokenhearted coffee maker never come back again!" nag-angry emoji pa ako sabay bigay na sa kape nito.
"Alis na," pagtataboy ko pa.
"Atat naman itong paalisin ako. Yung bayad ko hindi ko pa naibigay,"
"Libre ko na iyan sayo sa panggugulo mo dito. Lalo na sa madramang pag-iimot ko, salamat at nadagdagan pa ang inis ko,"
Natatawa naman itong naglakad palabas na ng coffee shop ko. Sinara ko na agad ang pinto at pinalitan ng close ang sign board na nakabitin sa salamin na pinto.