NAGISING ako sa walang humpay na pag-ring ng aking cellphone. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan at saka hinagis sa sahig para kusang huminto. “Aaargh!” inis kong reklamo nang matapos ihagis ay naalala kong strong pala ang protector case ng phone ko at carpeted ang buong sahig. Tuloy pa rin sa pag-ring ang cellphone. Kahit itakiip ko ang unan sa king tainga ay rinig na rinig ko pa rin. “Bakit kasi hindi mo ni-silent!” irita kong sabi sa sarili. Bumangon ako nang napipilitan. Para kong batang nagtatantrums dahil sa inis na ginigising na kahit na kakatulog ko pa lang. I went out last night and came home around six am. Nang hingalin na ko sa pagpapadyak ng paa sa kama at paghampas ng mga braso sa unan habang nakapikit pa rin ako ay saka lang ako bumangon. Pagtapak ko sa sahig

