NANG lumabas ng villa si Sonya ay saka lang kami nakahinga ng maluwag ni Martin. “Seryoso ba siya?” tanong niya sa’kin na nagtataka. “Itatanong ko rin nga sa’yo. Kinakabahan ako hindi kaya hinuhuli tayo ng mapapangasawa mo?” “What do you mean?” Nagpalinga-linga ako bago sumagot, “na may relasyon tayong dalawa at papakasalan mo siya pero hindi tayo maghihiwalay. That was the original plan at least. Though right now I’m really not sure,” napakagat ako ng labi at umiling. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ‘ko makasabay. “She’s acting quite strange nga. Ano sa palagay mo?” “Kung hinuhuli nya tayo paano? Willing ka pa bang ituloy?” I was asking about us and he nodded his head. Hindi pa naman pala nagbabago ang isip niya kahit na nakakaramdam kaming dalawa n

