Cincuenta y seis HINDI ko alam kung tamang pagsisihan ang pag-amin ko sa sarili kong ina na hindi ako tunay na lalaki. Wala rin naman na ‘kong magagawa dahil siguradong naibisto na ‘ko ng banal kong kapatid. Pagpasok ko pa lang ng bahay matapos ang tatlong araw na pananatili ko sa pad ni Toby ay sermon agad ang isinalubong sa’kin ni Nanay. Nasa may lamesa kami sa kusina noon. May hawak pa siyang sandok noong gabing umuwi ako dahil may pasok na ‘ko kinabukasan at nasa bahay namin ang mga gamit ko at kotse. “Benj, tatlong araw kang hindi umuwi! Saan ka ba nanggaling? Ano itong sinasabi ng Kuya mo na bakla ka raw maging ang mga barkada mo ay bakla din? Hindi ka na ba nahiya? Wala ka na bang matinong gagawin sa buhay mo? Ano Benjamin? Bakit hindi ka sumagot? Bakit hindi ka n

