PAGBALIK ko sa Maynila galing sa Macau ay may naghihintay na magandang balita para sa akin. Natanggap raw sa trabaho ang kapatid ko. Naisip ko na nagsisikap na siguro siya dahil tinamaan siya sa kasamahan ko sa trabaho na si Sara. Dahil sabi niya ay trabaho, hindi ko na inusisa kung ano ito dahil mukhang proud na proud naman ang nanay ko sa kaniya. Sabagay, kahit naman ano pang gawin ng kuya ko ay magiging proud talaga siya. Sa akin lang naman sila never naging proud. Hindi naman sa bitter ako dahil siya ang paborito, pero I just felt like I could never be enough for them. Lalo na siguro kapag nalaman nilang hindi ako magpapakasal sa babae kahit bayaran pa ako ng sampung milyon. Nakasalubong ko si Kuya Dong kaya’t binati ko na, "Congratulations on your new job ha." Sa

