MATAPOS ang biyahe namin sa Las Casas, ang birthday na ni-celebrate ko kasama ng tatlong baliw kong mga kaibigan na sina Sonya, Toby at Martin ay wala nang masyadong kaganapan sa ‘king buhay. Dahil sa pagkakakilala namin nila Lucas, Kiko at nitong nakaraan ay si Sonya, natutunan ko na ang kaligayahan ay hindi dapat nakasalalay lang sa ibang tao. It should be from within. Love yourself, ika nga. Kahit ganoon ay hindi pa rin ako ganoon kakumportableng malaman ng iba. Sinubukan ko pa ring magpanggap katulad ng dati. Dumaan ang mga araw na normal lang. Routine ko naman talalga ay opisina at bahay lang, lalo na at busy ang mga barkada ko sa buhay may asawa nila. Kung may mga biyahe ako abroad, lumalabas lang ako kasama ang mga ka-trabaho ko. Pero madalas ay sa hotel lang ako at

