LUCAS SINO nga ba si Lucas Pascual? Simple lang naman ang gusto ko noon, ang maipagamot ang aking ama na may karamdaman sa puso. Naalala ko pa noong linggo-linggo akong nagsisimba sa at nagdadasal sa Poong Nazareno sa Quiapo tuwing Biyernes. Ipinagdarasal na mabigyan ng solusyon ang sakit ni Papa dahil kaming dalawa na lang ang magkapamilya. Sabi nga nila, ang pagdinig sa panalangin ay hindi sa mga paraang nais kung hindi ayon sa kung ano ang nararapat at kailangan sa paningin ng Poong Maykapal. Bilang sakristan noong kabataan ko hanggang hayskul, umasa akong mapagbibigyan din ang aking hiling. Nang dumating ang pagkakataon ay hindi ko na ito pinalampas pa. “Hi. I’m an agent and looking for some raw and new talents. Baka gusto mong mag-audition?” Iniabot sa’kin ng isang mataba

