"Lucas Pascual." Nang marinig ko ang pangalan ko ay agad akong tumayo at huminga ng malalim. Hindi ko pinansin ang ilang lalaking nakaupo sa mga hilera ng monoblocks doon maging ang katotohanan na tatlong oras na akong naghihintay na matawag ang aking pangalan. "Ikaw na. Galingan mo." Tinapik ako sa balikat ng agent na nakilala ko sa ospital. Tumango ako at lumapit na sa may pintuan. Sa tapat ng pintuan na may malaking paskil na Heart Magic Talent Center ay nag-sign of the cross ako at nag-usal ng mabilis ngunit mataimtim na panalangin. "Your will be done, Lord," bulong ko habang tinatanggap na sa sarili na kung ano man ang magiging resulta ng VTR ko at audition ay tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Pagpasok ko ng silid ay nakasisilaw ang liwanag mula sa isang ilaw na inaayos sa

