Treinta y uno

1586 Words
    HABANG nagshoshooting kami ni Kiko ng palabas na Two Daddies ay mas tumindi ang paghahangad kong magkaroon ng ganoong klaseng relasyon kagaya ng mga bida sa istorya. Hindi nakatulong na naging mas malapit pa kaming dalawa ni Kiko dahil sa mga scenes na ginampanan namin. Dahil halos buong araw at magdamag kaming magkasama ay hindi sinasadyang makumpirma kong nahuhulog na pala ang damdamin ko sa kanya.   “Friend, punta ka sa pad mamaya? May bagong palabas sa Netflix, nood tayo?” tanong niya sa’kin isang araw na natapos kaming mag-taping. May one day break kami noon dahil sa gagawing editing ng staff. Dahil lagi kaming magkasama ay nasasanay na kaming inaasikaso ang isa’t-isa. Mag-isa si Kiko na umuwi ng Pilipinas para sa project na ‘to. Simula nang umuwi siya ng Pilipinas ay mas madalas pa ko sa condo unit niya kaysa sa bahay namin tuwing free days ko. Madalas din kaming sabay na kumakain tuwing magkasama. Dahil takot kaming dalawa sa tsismis ay sikretong-sikreto ang pagpupunta ko roon sa unit niya. Kahit na magkapareha kami sa palabas, hindi rin gusto ni Kiko na magkaroon ng kontrobersiya sa pangalan ko dahil alam niyang ayaw kong magkaproblema ako sa aking ama. Nang tinanggap ko kasi ang role na iyon ay nagalit si Papa at gusto niyang ibang proyekto na lang ang tanggapin ko.   “Sige. Same time?” tanong ko. Ang oras nang pagpunta ko ay ala-una ng madaling araw. Sanay kami sa puyatan dahil inuumaga kami lagi sa taping at sinasamantala ko ang oras na iyon para walang masyadong tao at matahimik akong makapuslit sa kanila. Dalawang magkatabing unit ang tinutuluyan ni Kiko sa condominium building na ‘yon. Sinadya niyang dalawang pintuan na may connecting door lang sa gitna para kung sakaling dadalaw ang mga magulang niya ay may privacy pa rin siya. Useful para sa’min ang ganoong setup dahil sa isang pintuan siya pumapasok habang ako naman ay sa isa. Kahit may makakita ay hindi naman nila alam na may connecting door ito sa loob. Minsan nagbibiruan kaming lumipat na lang ako sa unit na ‘yon para hindi na ko nagmamaneho pa. Kung hindi lang dahil kay Papa ay baka pinaunlakan ko ang imbitasyon niya. I’m nearing 30 but still I’m living with my father. Duty as a son ang hindi ko matatakasan habangbuhay.   “Yes. Anong gusto mong food?” nakangiti niyang tanong.   “Steak and asparagus pasta?” Mungkahi ko. Isa pang nakakahanga kay Kiko ay ang galing niya sa pagluluto. Lahat ng gusto kong pagkain ay inaaral niya at niluluto para sa’kin. Para ‘kong may sariling chef na pagkahain ay ipinaglalagay pa ‘ko ng pagkain sa plato. Kulang na lang ay subuan niya ‘ko. Kung paano ang characters naming dalawa sa palabas sa TV na mag-asawa ay ganoon ang turingan namin tuwing nasa sarili namin kaming mundo. Ang wala lang ay ang intimacy dahil nagkukubli pa rin ako sa safety net naming dalawang tinatawag na friendzone.   “Sure! White o red wine?”   “Red wine na lang. The one I gave you recently. Balita ko masarap ‘yon,” nakangiti kong sagot. Hindi ko na ibinida na ipihanap ko pa ‘yon dahil vintage collection ‘yon. Mahilig siya sa wine kaya’t inaral ko pa ang mga tungkol doon para makasabay sa trip niya.   Sa mga araw na nagpupunta ko sa kanila ay inuumaga na ‘ko ng uwi. Masayang kwentuhan, minsan ay board games o baraha at madalas ay nanonood ng movies sa mga streaming platforms.   Minsan pa ay magkasunod kaming dalawang nagpupunta sa taping. Sabay kaming bababa mula sa VIP elevator na nakasuot ng hooded jacket, cap at sunglasses at magkasunod na lalabas ang mga sasakyan mula sa parking lot. Nakakadagdag ang thrill na iyon ng pagkikita namin sa kagustuhan kong lagi siyang puntahan at makasama. Kahit hindi ako umaamin ng nararamdaman ko at ng tunay kong pagkatao, parang may unspoken understanding na sa pagitan namin. We have this undeniable chemistry and compatibility when we’re together. Hindi ko na rin maikubli ang kakaibang pakiramdam kapag napapadampi ang kamay ko sa balat niya o ang simpleng pagkakahawak namin ng kamay o pagdidikit ng balikat kapag magkatabi sa sofa.   “Kiks, gusto mong manood ng musical play?” tanong ko sa kanya isang araw na paalis na ‘ko mula sa pagtambay ko sa unit niya. Nakaplano akong magpunta noon at dumalo sa isang Runway Fashion show sa ibang bansa at gusto ko sana siyang isama.   “Sige, saan ba?” Nang sinabi ko ang isang sikat na teatro sa Paris ay napanganga siya.   “Seryoso?”   “Oo. Bakit naman ako magjojoke? Samahan mo ‘na ‘ko. Sakto naman ng one week break natin sa taping ang Runway show ko. Wala kang ibang project, ‘di ba?” Kahit kinakabahan ako ay hindi ako nagpahalata. Gusto kong lumabas lang na cook and chill ako sa pagyayaya ko sa kanya kahit na ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip kung paano ko siya isasama sa Paris.   “Ha? Ahm, wala, pero bakit biglaan naman yata? I mean, bakit mo ‘ko sinasama?” Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya’t ngumiti na lang ako at inakbayan siya.   “I want to spend time with my best friend. May masama ba doon?” Nakita ko ang panandaliang pagsimangot ng mukha niya bago ito ngumiti sa’kin.   “Sige kapag clear ang schedule ko. Check ko later then message kita, ha?”   Tumango ako at umasa na oo ang isasagot niya. One thing I’m sure of is what I feel towards him. Kahit hindi ako sigurado sa sarili ko ay sigurado akong gusto ko siyang makasama. Kahit hindi ko ipinapalahata sa kanya ang feelings ko ay hulog na hulog na ‘ko sa kanya. He takes care of me in a way that I can’t explain. Minsan kahit isusubo na lang niya ay ibinibigay pa sa’kin. Kung may tinatawag na devotion and adoration ay si Kiko ‘yon sa akin. I want to start doing the same thing for him. Ang kaso lang ay hindi pala kami pareho ng gusto.   Paalis na dapat kami papuntang Paris. Inaabangan ko siya sa airport dahil sabi niya doon na lang kami magkita nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya.   “Hello, friend?”   “Kiks, sa’n ka na? Two hours na lang. Abot ka pa sa check-in.”   “Ano kasi, something came up. Hindi na ‘ko makakasama. Ingat ka sa flight, ha. Pasalubong ko. Gusto ko ng perfume, ‘yong lagi mong binibigay sa’kin.”   Pakiramdam ko ay nanghinga ang buong katawan ko nang marinig ko ang pagtanggi niyang sumama sa’kin kahit na pumayag na siya noong una ko siyang inimbita.   “Ah, bakit anong nangyari?” I tried to be calm and cool. Ginamit ko na lang ang pagiging artista ko kahit na ang sikip sikip ng dibdib ko at gusto ko nang umiyak. Bigla akong kinabahan nang hindi siya kaagad sumagot. Pakiramdam ko ay may nagbabadyang unos sa buhay ko at sa pagsasama namin.   “Si Stephen kasi dumating. Nagdivorce na daw sila ng asawa niya. He wants me back.”   Muntikan kong mabitiwan ang phone ko sa narinig. I could feel the pain in my chest at napakapit ang isang kamay ko roon. Unti-unti ring pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.   “Stephen? Ang ex mo na Chinese?” Nakuha ko pang kalmadong magtanong kahit na gusto ko nang ibaba ang tawag at umiyak sa sulok ng airport.   “Yes, Luke! I’m so happy! He wants me back!” Sa boses niyang excited at masaya ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi pa rito natigil dahil mas binayo pa niya ng bato ang durog kong damdamin,  “baka dito ko muna siya patirahin sa pad. So, baka medyo di muna tayo magkita ng madalas. Friend? Galit ka ba?”   Pumikit ako at nagpunas ng luha. Pinabayaan ko na lang tumulo ang sipon kaysa marinig niyang sumisinghot ako.   “Siyempre hindi. Ano ka ba? I’m happy for you siyempre. O tinatawag na ang flight ko, tawag na lang ako o kaya text pag naka-land na.” Kahit dalawang oras pa ang flight ay idinahilan ko na lang iyon. Kung magtatagal pa ay baka masabi ko na ang gusto kong sabihin at pigilan ko na lang siyang bumalik sa Stephen na ‘yon.   “Ingat ka, Bye.”   Matapos ang tawag ay isang oras din akong nagkulong sa restroom ng airport. I blamed myself for being slow and stupid. Kung hindi dahil sa pagiging duwag ko ay baka nagkaroon pa ‘ko ng tsansa na maging maligaya. More than anything, I hated myself dahil wala namang ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko. Kung kailan naman handa na ‘kong sumugal at ipaglaban ang karapatan kong lumigaya ay saka pa nawala ang taong gusto ko sanang makasama.   Simula nang araw na iyon ay nagbago na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Minsan pakiramdam ko ay hindi kami magkakilala. Lagi niyang sinasabi sa’kin na umiiwas lang siya dahil nagseselos si Stephen kahit na hindi naman ito nagpupunta sa set namin at hindi ko pa ito muling nakita simula nang magsama sila sa condo unit ni Kiko. I showed him that I’m a good friend by letting him have his own happiness kahit na napakamiserable ng pakiramdam ko.   I was at the lowest point of my life when I met someone that helped me cope with my misery. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD