SABAY na tumayo ang mga magulang ni Kiko at lumapit sa kanya kaya’t agad ding tumayo si Kiko. Yumakap sila nang mahigpit. I felt teary eyed as I watched the whole family hugging each other. Parang gusto kong i-capture ang moment na ‘yon para hindi ko makalimutan. Alam kong hindi darating ang ganoong pagkakataon sa’kin lalo na at alam ko ang stand ng aking ama pagdating sa kasarian. Ito ang pinakamatibay na dahilan para pigilan ko pa rin ang aking nararamdaman. "We were just waiting for you to tell us, son,” bulong ng Mama ni Kiko. “We noticed you weren’t happy and contented whenever you introduce girls to us. Mas excited ka pang magkwento tungkol sa mga kaibigan mo at barkadang lalaki.” “A-alam n’yo?” Marahang bumitiw sa pagkakayakap si Kiko at umatras nang bahagya upan

