NOONG hapon, nagising ako nang mag-ring ang aking cellphone na nakatulugan ko na pala at nakapatong sa dibdib ko. Marahil nabitiwan ko na ito habang nanonood ng mga videos sa YT. Hindi ko na natingnan kung sino ang tumatawag nang sagutin ko ang phone, “hello.” “Tulog ka ba? Sorry nagising yata kita.” Bigla akong nagising nang marinig ang boses na ‘yon. “Luke,” sagot ko. “Iniba ko na nga ang boses ko nakilala mo pa rin,” natatawa niyang sabi. Ang pag-iba ng boses na sinasabi niya ay binabaan niya ang tono para hindi ko matunugan. “Nagamit mo na ‘yan dati. Isa pa, wala namang tumatawag sa’kin na iba.” Natawa na naman siya. Alam niyang puro outgoing ang tawag ko at madalang lang tumawag ang mga barkada ko. Kahit sa trabaho ay mga messenger at apps na internet co

