PAGDATING ko sa pad ni Toby ay wala pa sila ni Martin. May access ako sa pad niya kaya’t naglinis muna ‘ko ng bahagya bago inayos ang dala kong mga alak at pagkain naming tatlo. Sa dami ng pagkaing dala ko ay aakalaing marami kaming kasama. Ang totoo, malakas kumain ang dalawang kaibigan ko at siguradong gutom ang mga iyon paguwi galing trabaho. May liempo, crispy pata at manok at pulutan naming chicharong bulaklak at sisig. Inayos ko ang lamesa at nanood muna ng TV habang hinihintay ang dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ko sa sofa. Nagising na lang ako nang may maramdaman akong malamig na bagay na nakadikit sa’king pisngi. Pagmulat ko ay may beer in can na nakadikit sa mukha ko at ang nakanigising mukha ni Toby ang bumungad sa’kin. “Happy Birthday, Tol!” Napangiti ako h

