Ang Stacey pala na sinasabi ni Jeston ay ang Stacey Mae na isang taon din akong hindi pinatahimik at anim na buwang pinahirapan dahil sa mga bangungot na sanhi ng mga ginawa niya sa’kin. “Luke, magkakilala kayo?” Sabay kaming napatingin ni Stacey Mae kay Resty. “Magkapitbahay kami dati. Bago ako lumipad papuntang US,” sagot ng babae. Ganoon pa rin siya. Malayong-malayo sa pananamit niya ang commanding at confident niyang boses. “Ah, small world. Mabuti naman pala magkakilala kayo. Si Stacey ang mag-aassist sa’yo sa mga damit. Fashion consultant na siya ngayon kahit ganyan itsura niyan marami ‘yang kliyente. She’s only here today to help out Jeston na pinsang buo niya.” Tumawa si Stacey Mae at mas lalong nagtayuan ang mga balahibo ko. Paano ko ba sasabihi

