“Aminin mo na, Benj. Tayong dalawa lang naman.” Lumapit pa si Lucas sa’kin at nagpa-cute. “Hindi nga ako,” pagsisinungaling ko habang nag-iwas ng tingin. Ilang segundo rin kaming natahimik habang kumakain. Maya-maya pa, noong marealize niyang hindi talaga ako magsasalita ay sumuko rin siya. “Sige na nga. Since it’s not your own story to tell, hindi na ‘ko mangungulit.” I looked at him and he was smiling at me. “Bakit ka naman nakangiti?” “Lumalawak na ang mundong ginagalawan ni C. Baka darating na rin ang araw na makakaamin siya ng tunay niyang saloobin at preference sa mga kaibigan niya, kahit kina A at B lang.” Napapikit ako at natahimik. Hindi pa ako handang umamin sa iba at hindi ko rin alam kung darating ba ang panahon na makakapagsabi rin ako sa kanila kagay

