Ang Simula ng Pagmamahalan❤️
Kilala ako sa paaralang namin nuon sa Mallig National High School (Isabela) dahil sa mga gulong nasasang kutan ko sa loob Campus. Sa akin kasi nag susumbong ang aking mga ka Brgy. na nag aaral duon, pag binu bully sila. In short SUPERMAN nila ako!?. Ayaw ko kasi na minamaliit at binu bully ang mga ka brgy. ko nuon. Kaya tinutulungan ko sila. First year to Fourth year ako walong(8) beses naipatawag ang magulang ko dahil sa mga gulo na pinasok ko. Dumating pa nga yung araw nun na gusto akong ilipat sa kabilang school nuon, buti di pumayag yung Principal namin nun. Si Maam Lopez!(salamat maam) hehe. Pinag sasabihan ako nun ni Mama!
Mama: Justine umiwas ka na sa mga gulong yan! paano pag may nangyari sayo. Fourth year kana! gra graduate kana!
Me: alam ko naman yun ma, pero alangan naman na pabayaan ko sila. binu bully. hindi porket maliit lang kami ng taga Holy Friday ( Pangalan ng Barangay ko) dito pwede na nila kami i bully at takutin! Gusto ko lang ipakita sa kanila na di kami takot, kahit konti lang kami.
Mama: Umiwas ka. last change mo na to! Graduating kana buti mabait yung school principal niyo di pumayag na ilipat ka sa ibang school kasi graduating kana. Kung inulit mo pa to, di na ako pupunta! nahihiya na ako dahil puro gulo ang rason! Paano kung tinaraydor ko. Sinaksak baka sa susunod na ipatawag ako sa morgue na kita makikita!
Di ako nakaimik nun dahil sa sinabi ni mama. Pero narealize ko, tama nga naman, pero ang hirap kasi lalo na kung nakikita mo mga ka brgy.m mo na binu bully.
Hmm. Sisimulan ko. Sigurado kikiligin kayonsa kwento ko. hahaha
Hapon na nuon ng maka uwi kami ng tropa ko galing sa paaralan. Marami akong kaibigan, dahil siguro sa kabaitan ko sa kanila, pagtatanggol at pagtulong pag may problema sila. May tambayan kasi kami malapit sa basketball at tapat lang din ng bahay, kaya kung hapon na, dito kami sa basketball court .
Hindi kami nag laro ni Jhejhe nuon isa sa mga barkada ko(tunay na tropa) kasi nagluluto kami ng pulutan. May manok kasi siyang binili nuon . Habang nagluluto kami sa silong ng acacia malapit sa bahay, dumaan yung pinsan niya si Jean . Maganda si Jean maputi , lalo na pag makatitigan mo siya talaga namang ma fa fall ka. ???Inasar siya ni Jhejhe,
Jhe2: pinsan si Ymmar oh
Me: Hi
Jean: Ngoo!! sabay taas sa kamao niya!
Tumawa nalang kami ni jhe2 nuon, may pagka tomboy kasi si Jean nuon, parang lalaki maglakad. Siya yung tipo ng babae na lalake pumorma!! hahaha
Gabi na nuon, panalo sa basketball kaya may pang alak kami! Habang nag iinuman kami, hiningi ko number ni Jean kay Jhejhe. sabi naman niya
Jhe2: wala sa akin bro, teka at itext ko si laicha (gf niya, tropa din ni Jean) at kunin ko sa kanya!
binigay naman ni Malou yung number ni grace . kaya nung makuha ko na. tinext ko siya! unang text ko sa kanya!
Me: Hi
Jean: Who you?!
Me: Justine to..
Jean. bakit?! saan mo nakuha number ko!!
Me: kay jhe2. hiningi niya kay laicha.
Jean: p*st* !!
Natawa nalang ako sa reply niya nuon kasi may pagka tomboy nga. Matagal nun bago ko siya napa amo. hahaha
Nuong may mood na siya mag reply at mejo nag jo joke na. Sinabi ko sa kanya kung Pwede manligaw. 15 years old palang kasi siya nuong naging kami
Reply niya sa akin '
'kaya mo ba mag antay ng 10 years? kasi saka lang ako mag aasawa pag 25 na ako! gusto ko kasi mag abroad at makapag aral para maging REGISTERED NURSE (RN) ako, at para matulungan na din ang mga magulang at kapatid ko.
Sabi ko naman sa kanya.
'hoo aantayin kita, basta ipangako mo, huwag ka munang mag bo boyfriend!
Reply niya: Totoo Justine? aanatayin mo ako after 10 years? possible. (sabay tawa niya)
Me: oo Promise
Jean:. Justine alam mo, pwede ka naman manligaw ng ibang babae jan. di naman kita pag babawalan dun.
Me: basta aantayin kita. Pangako yan!
Jean: bahala ka!
Me: Oo
Kinuwento ko kay jhe2 nuon na after 10 years daw bago mag paligaw at mag asawa si Jean. sabi ko aantayin ko nalang. total di naman natin namamalayan ang araw sabi ko!
Tumawa mga barkada ko nuon! sabi nila In love na si Asiong!! (Asiong kasi bansag nila sa akin nuon sa dahil dun sa pelikula na hari ng tondo). tawanan sila nuon. after 10years talaga bro. matagal ah dagdag nila.
Sabi ko sa kanila, hindi aabot yun mga bro, baka after 1month ,2months magiging akin na siya. kasi pakiramdam ko. napapa amo ko na siya! sabagay ah. sabi nila
Isang Gabi nuonn habang naka tambay kami sa bahay, Nagte textsan kami ni Grace. Nuong mag 9pm na. pina punta niya ako sa bahay nila! kasi wala ng tao nuon. tulog na din mga magulang niya.
Pumunta naman ako nuon sa bahay nila, kinakabahan pa ako nuon baka makita kami! Nuong andun na ako. May distansiya pa pagitan namin nuon. kasi nung lalapitan ko siya, pinatigil niya ako, sabay sabi. Diyan ka lang! hindi pa tayo . sabay ngiti niya, kaya umopo nalang ako at ngumiti na din! hahaha (in love na kayo no?? ) hahaha
Hindi ako nag sasalita nuong andun ako, inantay ko na siya ang mag salita.
Sabi niya.
Jean: totoo ba na aantayin mo ako after 10 years? sabay ngiti niya
Me: tinignan ko muna siya, sabay sabi oo ! aantayin nga kita.
madami kaming napag kwentuhan nuon, pati yung mga past ko na naging gf naging topic na din namin, nasabi ko lahat sa kanya! at unti unti na din ako lumapit sa kanya! Nuong makalapit ako sa kanya, hinawakan ko ang kamay niya, kaso inalis niya, pero nakangita siya. !
Tinitigan ko nalang siya nuon! inaantay na tumitig din siya sa akin!! Nung Tumitig na siya.... ayan na!!!. hahahaha!!!
Hinawakan ko ulit kamay niya, at ngumiti na siya . alam kong kinikilig na din siya. unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya! at ayun pumikit na siya at pumikit na din ako, sabay dampi ng mga labi ko sa matatamis niyang labi???
Pagkatapos ko nuon siyang hinalikan, sabi niya
Jean. Bakit mo ako hinalikan? para lang yun sa maasawa ko (pero naka ngiti siya)
Me : ako din naman mapapangasawa mo sabay halik ulit sa kanya. ???
Naulit ulit ang ganun na nangyari sa amin nung gabing iyon!! yakap yakap ko na siya nuon, ang saya namin that time. Sinabi ko sa kanya tayo na ba? hindi pa. basta mag antay ka lang!! sa iyo naman na ako Hon! Hon na naging tawagan namin nuon! kilig much
Dumaan ang gabi na paulit ulit ,pumupunta ako sa bahay nila pag gabi na, pag tulog na ang mga tao, at siya na din ang pumupunta sa bahay nuon.
Nuong andun kami sa bahay pinapaalis ko mga barkada ko nuon kasi sa labas kami natutulog, kaya kami muna ni Jean ang andun nakahiga hanggang sa ...
Please follow may real life story for the next episode!!! salamat??